Ang website na ito ay pag-alaala ko kay G. Fortunato "Tatong Balugbog" dela Cruz, patnugot ng TANOD BAYAN noon. Tulad din ng pagmamahal n'ya, narito ang mga sariwang balita at ilang mahahalagang kaganapan at mga pangyayari mula sa aking bayang Santa Maria, Bulacan at karatig pook nito. Halina't tuklasing muli ang ating Dakilang Bayan, Ang Bayan ng Awit at Tula! Tuloy Lang Po at Mabuhay Kayo...Mga Mahal Kong Kababayan! Pagbati mula kay Memen Belarmino, ang inyong lingkod na webmaster!

Monday, February 04, 2008

Ika-216 na pagkakatatag ng Bayang Santa Maria (1702-2008) Lalawigan ng Bulacan

Muli ang ika-216 na pagkakatatag ng Bayang Santa Maria (1702-2008) ay gugunitain. Ito ay sa sa ika-6 at 7 ng Pebrero, taung kasalukuyan(2008). Ito ay ipagdiriwang ng aking mga kababayang nasa Pilipinas at mga kababayan kong nasa ibang bansa sa kapurihan ng aming patronang La Inmaculada Concepcion(in Spanish), (Immaculate Conception (in English).

Natatandaan ko pa ang halos walang katapusang pagdiriwang tuwing sasapit ang kanyang kapistahan. Inaabot ito ng isang buwan o higit pa. Abala na ang aking mga kababayan at ang mga namumuno pagkatapos ng Undas, Pasko at Bagong Taon. Ang ihip ng hanging amihan ay isang tanda na malapit na nga ang kanyang kapistahan.

Sa aking karanasan bilang kasapi noon ng pagbuo ng pagbalangkas sa susunod na pagdiriwang ng kanyang Kapistahan, narito ang ilang gawi at kaugalian upang maging tagumpay at tunay na masaya ang naturang taunang pagdiriwang.

Mula pa lamang sa ika-15 ng buwan ng Agosto (Assumption of Mary) ay magpapatawag na ng pulong ang Pangulo ng Kapistahan at ang Kura Paroko sa mga kasapi at mga punong-abala. At ito ay buong husay at masusing inaayos ang lahat ng mga bagay-bagay mula financial hanggang schedule ng iba't ibang pagtatanghal bawa't linggo ng buwan ng Pebrero.

Kaya nga't taun-taon ay tunay na malakihan ang ginagawang pagdiriwang. Una sa lahat, tuwina madalas ay sampu pataas ang inaayayahang Banda ng Musiko na nanggaling pa sa iba't-ibang bayan ng Pilipinas.

Ang unang tanong ng karamihan "Ilan bang Banda ng Musiko ang tutugtog o aanyahan sa araw na ito?" Dito pa lamang makikita mo ang pagkahilig sa Musika ng mga taga Sta.Maria. Mula sa Parada ng mga Banda, Presentasyon sa La Torre, Majorette Exhibition sa hapon ng bisperas at sa gabi ang laging inaabangang Serenata o Konsyerto ng mga Banda na dinadayo naman ng mga ibang manonood at taga-pakinig mula sa ibang lugar na laging inaabangan ng mga mahilig sa musika.

At sa umaga ng kaarawan ang Misa Cantada o Concelebrated Mass na ginagampanan ng maraming pari at obispo ay tunay na dakilang kaugalian naming mga taga Santa Maria. Ang dakilang prusisyon sa kaarawan ay tunay na dinadayo ng marami.

Ganito kalapit ang mga tao sa Parokya na tunay namang katangi-tangi. Di lamang sa araw ng Kapistahan kundi sa buong taon. Ang gawain sa Simbahan ay bahagi na ng pangaraw-araw na buhay ng aking mga kababayan.

Kaya nga't kaming mga nasa ibang bansa ay pilit na ginagawa ang kaugaliang ito. Na sa pamamagitan ng abot ng aming makakaya ay amin rin na ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Imaculada Concepcion taun-taon kahit kami ay malayo sa Kanya. ---Mula kay Memen B. (your Webmaster)

Watch this documentary video>>>
DAKILANG BAYAN, SANTA MARIA

Video Archive (Balik-Tanaw):Pamana 1992 "Bi-Centennial Celebration"(a Documentary Film)

More info>>> Santa Maria, Bulacan from Wikipededia, the free encyclopedia

News Update:Ex-Bulacan mayor held for estafa ?

Photo Archives: Sta. Maria Town Fiesta 2007 photos courtesy of Cecil M. Suarez (Suarez Studio)

Fiesta 2008 sa LA e-Invitation mula kay Ed C. Villanueva P.E. (Pangulo 2008)

Labels: ,

Monday, January 07, 2008

DAKILANG BAYAN : SANTA MARIA, BULACAN

DISCLAIMER: Let everybody know that I do not own any part of this documentary video clips.

***Keep pressing stop/play button. It takes a while to load but it's worth-watching!



UNANG BAHAGI



IKALAWANG BAHAGI



IKATLONG BAHAGI

***Let us give thanks and acknowledge all the people who are responsible for this documentary film. Give them recoginition by reading all their names on the end credits of this 3 OF 3 of this video.

MABUHAY PO TAYONG LAHAT!--Memen Belarmino of SDCA mYdEsKtOpMuLtImEdIa PRO2010

Labels: ,

Monday, September 10, 2007

Dakilang Bayan, Santa Maria

Santa Maria Bulacan Tourism Documentary Part 1



A Project of Santa Maria Tourism Council
Narrated by Rain Libiran
Research & script by Fernando "Toto" Perez

"Ang dakilang buntala ay sumilay na
Sa minumutya nitong Santa Maria
Pinagyaman ang ilog at kaparangan
Pati na sining ay nalinang

Dakilang Ina ng pagpipita
Taglay Nya'y biyaya't pagsinta
Na sa ating lahat ay nakatunghay
At handang laging umalalay

Bayan ng awit at tula
Maging ng malalim na pananampalataya
Dangal ng kanyang mamamayan
Hinirang ng Poong manlalalang

Sagana ang noon at ngayon
Hanggang sa kinabukasan ay pumaroon"


Part II
Kasama ang mga bagong-kabataan ng miyembro ng Banda 88 at ng kasalukuyang Maestro na si Arnel Jacinto. Dito, makikita at magpapatunay na nasa puso ng mga taga Sta.Maria ang pagkahilig sa tunay na sining ng musika. At ang paniwala na sa pamamagitan ng kapangyarihan nito na makakatulong ito sa paghubog ng bagong lider at mabuting mamayan ng ating dakilang bayang, Santa Maria.



Banda 88 ng Sta.Maria, Bulacan on YouTube.com
A video archives...Here are some of their best performances!Band 88 (Musikong Luma (original) ng Sta. Maria, Bulacan, Philippines.

Labels: