Ang website na ito ay pag-alaala ko kay G. Fortunato "Tatong Balugbog" dela Cruz, patnugot ng TANOD BAYAN noon. Tulad din ng pagmamahal n'ya, narito ang mga sariwang balita at ilang mahahalagang kaganapan at mga pangyayari mula sa aking bayang Santa Maria, Bulacan at karatig pook nito. Halina't tuklasing muli ang ating Dakilang Bayan, Ang Bayan ng Awit at Tula! Tuloy Lang Po at Mabuhay Kayo...Mga Mahal Kong Kababayan! Pagbati mula kay Memen Belarmino, ang inyong lingkod na webmaster!

Monday, February 04, 2008

Ika-216 na pagkakatatag ng Bayang Santa Maria (1702-2008) Lalawigan ng Bulacan

Muli ang ika-216 na pagkakatatag ng Bayang Santa Maria (1702-2008) ay gugunitain. Ito ay sa sa ika-6 at 7 ng Pebrero, taung kasalukuyan(2008). Ito ay ipagdiriwang ng aking mga kababayang nasa Pilipinas at mga kababayan kong nasa ibang bansa sa kapurihan ng aming patronang La Inmaculada Concepcion(in Spanish), (Immaculate Conception (in English).

Natatandaan ko pa ang halos walang katapusang pagdiriwang tuwing sasapit ang kanyang kapistahan. Inaabot ito ng isang buwan o higit pa. Abala na ang aking mga kababayan at ang mga namumuno pagkatapos ng Undas, Pasko at Bagong Taon. Ang ihip ng hanging amihan ay isang tanda na malapit na nga ang kanyang kapistahan.

Sa aking karanasan bilang kasapi noon ng pagbuo ng pagbalangkas sa susunod na pagdiriwang ng kanyang Kapistahan, narito ang ilang gawi at kaugalian upang maging tagumpay at tunay na masaya ang naturang taunang pagdiriwang.

Mula pa lamang sa ika-15 ng buwan ng Agosto (Assumption of Mary) ay magpapatawag na ng pulong ang Pangulo ng Kapistahan at ang Kura Paroko sa mga kasapi at mga punong-abala. At ito ay buong husay at masusing inaayos ang lahat ng mga bagay-bagay mula financial hanggang schedule ng iba't ibang pagtatanghal bawa't linggo ng buwan ng Pebrero.

Kaya nga't taun-taon ay tunay na malakihan ang ginagawang pagdiriwang. Una sa lahat, tuwina madalas ay sampu pataas ang inaayayahang Banda ng Musiko na nanggaling pa sa iba't-ibang bayan ng Pilipinas.

Ang unang tanong ng karamihan "Ilan bang Banda ng Musiko ang tutugtog o aanyahan sa araw na ito?" Dito pa lamang makikita mo ang pagkahilig sa Musika ng mga taga Sta.Maria. Mula sa Parada ng mga Banda, Presentasyon sa La Torre, Majorette Exhibition sa hapon ng bisperas at sa gabi ang laging inaabangang Serenata o Konsyerto ng mga Banda na dinadayo naman ng mga ibang manonood at taga-pakinig mula sa ibang lugar na laging inaabangan ng mga mahilig sa musika.

At sa umaga ng kaarawan ang Misa Cantada o Concelebrated Mass na ginagampanan ng maraming pari at obispo ay tunay na dakilang kaugalian naming mga taga Santa Maria. Ang dakilang prusisyon sa kaarawan ay tunay na dinadayo ng marami.

Ganito kalapit ang mga tao sa Parokya na tunay namang katangi-tangi. Di lamang sa araw ng Kapistahan kundi sa buong taon. Ang gawain sa Simbahan ay bahagi na ng pangaraw-araw na buhay ng aking mga kababayan.

Kaya nga't kaming mga nasa ibang bansa ay pilit na ginagawa ang kaugaliang ito. Na sa pamamagitan ng abot ng aming makakaya ay amin rin na ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Imaculada Concepcion taun-taon kahit kami ay malayo sa Kanya. ---Mula kay Memen B. (your Webmaster)

Watch this documentary video>>>
DAKILANG BAYAN, SANTA MARIA

Video Archive (Balik-Tanaw):Pamana 1992 "Bi-Centennial Celebration"(a Documentary Film)

More info>>> Santa Maria, Bulacan from Wikipededia, the free encyclopedia

News Update:Ex-Bulacan mayor held for estafa ?

Photo Archives: Sta. Maria Town Fiesta 2007 photos courtesy of Cecil M. Suarez (Suarez Studio)

Fiesta 2008 sa LA e-Invitation mula kay Ed C. Villanueva P.E. (Pangulo 2008)

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home