"Isang Komedya, na di- katawa-tawa!"Bakit kaya mahirap alisin ang maling kaugaliang ipinamana sa atin ng mga Prayleng Kastila noon?
Ang napakaipokritang
"Mangangalakal ng Salita ng Diyos?" Ang paraang ginamit nila upang madaling ma-brainwash ang mga Pilipino (
mga indios).
Sa nakaraang mahigit na isang-daang taon na, taglay pa rin natin ang ating grabeng karamdaman, ang
"Social Cancer" na talaga yatang wala ng lunas, ayon ito sa sinabi ni Dr. Jose P. Rizal sa kanyang
"Noli Me Tangere". Kailan kaya tayo magbabago upang baguhin ang ating "
Utak Talangka?" Bakit hanggang sa ibang bansa o dito sa Amerika dala natin ang ugaling ito? Lalo na pag kaharap natin ang kapwa-pinoy natin pero sa ibang lahi di tayo maka-porma.
Ito ba ang ating nos. 1 export product sa ngayon. Bakit di natin isa-isip at isagawa ang ating kawikaang
"Pulutin ang tama, iwaglit ang masama!"Ito ba ang ating ipapamana sa ating susunod na angkan na mga Filipino-American?
Una, ang gamitin ang bawa't samahan para sa sariling kapakanan.
Ang mang-agaw ng papel upang itaas ang kanyang sarili.
Ang alamin ang pagkakaiba sa usapang kanto, kwentong barbero, kaisipang joklay sa tunay at pormal na pinag-uusapan. Na mas madalas paikutin natin ang kapwa sa platitong mani at sa isang baso ng gin.
Marahil makikita natin ito kung mapapanood natin ang isang Filipino Channel (especiallly a "Noontime Show") kung gaano tayo naiimpluwensyahan nito. Hindi tamang dahilan na "Gusto lang nating maging masaya," ay puede na nating gawin ang lahat! Sa akin, hindi ito tamang paniniwala.
Ang ating sobrang kayabangan at ang tamang pag-gamit ng mga hi-tech gadgets kagaya ng cellphone. Na ayaw i-off kung kinakailangan lalo na kung tayo ay nasa Banal na Misa.
Ang isang halimbawa, ang sobrang pagsusugal natin kahit ito ay wala sa tamang lugar at panahon ay ating ding ginagawa. Kilala at maraming Pilipino dito sa US ang lulong sa casino.
Ang pangalawa ay ang maruming pamumulitika.
(Do you know that
"POLITICS" is a latin word meaning
poli, "many" &
tics "bloodsucking creature".)
Ang nauuso at nakakalokohang ang akala nila sila ay alagad ng sining Show Business "feeling showbiz", ika nga.Lahat gustong mag-artista.
Lahat gusto nasa entablado, hawakan ang mikropono at kumanta at magtalumpati. At gumanap ng bidang papel.
Dapat ihiwalay natin ang tunay paniniwala sa tunay na pananamplataya.
Di yata tayo mabubuhay ng walang kaipokritahan! Para tayong mga plastic at styrofoam na di basta nabubulok at nakakasama sa kalikasan kung ito ay ating pababayaan at ipagbabale-walain na lamang. Ganito ba talaga tayong mga Pilipino?
Di ba tayo marunong mahiya sa iba? Di natin iniisip ang ating sinasabi at ginagawa.
Ang akala ng nila walang nakakapansin sa kanilang ginagawa, ang totoo nakakahiya sila sapagka't dito pa sa Bansang Amerika nagkakalat ng nakakadiring kaugalian.
Ewan at ewan pa rin ang aking tanging sagot at ang huling tanong
"Saan tayo Pupunta?" Totoo bang ang Pilipino, tulad ng iba kong kababayan sa Bayang Dakila, ay bayan din ni Juan Tanga wala paki habang sinasamantala ng mga taong nagsasabi sa kanilang sarili ay banal at pantas, gayung sa kanilang sarili sila ay hunghang at ganid sa karangalan!
Sana ang ang tunay na kapurihan ay maibalik sa ating Mahal na Inang Birheng Maria sa tuwing sasapit ang kanyang kapistahan ng pagdiriwang.
Ang mga pangyayaring ito ay aking inihihahain at idinadalangin na kaming mga anak nya ay mapagbago sa ngalan ng aming Panginoong Hesus.---Isang kamalayan ni Memen B.
Labels: social cancer