Ang website na ito ay pag-alaala ko kay G. Fortunato "Tatong Balugbog" dela Cruz, patnugot ng TANOD BAYAN noon. Tulad din ng pagmamahal n'ya, narito ang mga sariwang balita at ilang mahahalagang kaganapan at mga pangyayari mula sa aking bayang Santa Maria, Bulacan at karatig pook nito. Halina't tuklasing muli ang ating Dakilang Bayan, Ang Bayan ng Awit at Tula! Tuloy Lang Po at Mabuhay Kayo...Mga Mahal Kong Kababayan! Pagbati mula kay Memen Belarmino, ang inyong lingkod na webmaster!

Thursday, February 28, 2008

Sta. Maria Concelebrated Fiesta Sunday Mass

Sta. Maria Concelebrated Fiesta Sunday Mass February 24, 2008



Labels:

Sunday, February 17, 2008

Pulong Buhangin: Centennial Fiesta

Centennial fiesta

The Parish of Our Lady of Mount Carmel of Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan, will celebrate today the 100th fiesta of its patroness Our Lady of Mount Carmel. Parishioners will showcase their continued dedication to the Church and the community under the patronage of the Virgin and their other patron, San Sebastian.

Labels:

Sunday, February 10, 2008

Marian Exhibit during Sta. Maria Town Fiesta 2008

Note: Ang mga sumusunod na video ay kinuha ni Baby Santiago


Online Videos by Veoh.com

Labels:

Exhibit of Sto. Nino in Sta. Maria

Opening of exhibit of Sto. Nino in Sta. Maria, Bulacan


Online Videos by Veoh.com

Labels:

Sta. Maria Town Fiesta Band Parade 2008

Sta. Maria Town Fiesta Band Parade (Presentacion at La Torre) is held every first Wednesday (Bisperas) of February, which is a day before the town fiesta.




Maraming salamat kay Baby Santiago sa mga videos na ito!

Labels:

Saturday, February 09, 2008

Repleksyon:Ang "Social Cancer" sa Bayan ko!

"Isang Komedya, na di- katawa-tawa!"

Bakit kaya mahirap alisin ang maling kaugaliang ipinamana sa atin ng mga Prayleng Kastila noon?

Ang napakaipokritang "Mangangalakal ng Salita ng Diyos?" Ang paraang ginamit nila upang madaling ma-brainwash ang mga Pilipino (mga indios).

Sa nakaraang mahigit na isang-daang taon na, taglay pa rin natin ang ating grabeng karamdaman, ang "Social Cancer" na talaga yatang wala ng lunas, ayon ito sa sinabi ni Dr. Jose P. Rizal sa kanyang "Noli Me Tangere". Kailan kaya tayo magbabago upang baguhin ang ating "Utak Talangka?" Bakit hanggang sa ibang bansa o dito sa Amerika dala natin ang ugaling ito? Lalo na pag kaharap natin ang kapwa-pinoy natin pero sa ibang lahi di tayo maka-porma.

Ito ba ang ating nos. 1 export product sa ngayon. Bakit di natin isa-isip at isagawa ang ating kawikaang "Pulutin ang tama, iwaglit ang masama!"

Ito ba ang ating ipapamana sa ating susunod na angkan na mga Filipino-American?

Una, ang gamitin ang bawa't samahan para sa sariling kapakanan.

Ang mang-agaw ng papel upang itaas ang kanyang sarili.

Ang alamin ang pagkakaiba sa usapang kanto, kwentong barbero, kaisipang joklay sa tunay at pormal na pinag-uusapan. Na mas madalas paikutin natin ang kapwa sa platitong mani at sa isang baso ng gin.

Marahil makikita natin ito kung mapapanood natin ang isang Filipino Channel (especiallly a "Noontime Show") kung gaano tayo naiimpluwensyahan nito. Hindi tamang dahilan na "Gusto lang nating maging masaya," ay puede na nating gawin ang lahat! Sa akin, hindi ito tamang paniniwala.

Ang ating sobrang kayabangan at ang tamang pag-gamit ng mga hi-tech gadgets kagaya ng cellphone. Na ayaw i-off kung kinakailangan lalo na kung tayo ay nasa Banal na Misa.

Ang isang halimbawa, ang sobrang pagsusugal natin kahit ito ay wala sa tamang lugar at panahon ay ating ding ginagawa. Kilala at maraming Pilipino dito sa US ang lulong sa casino.

Ang pangalawa ay ang maruming pamumulitika.

(Do you know that "POLITICS" is a latin word meaning poli, "many" & tics "bloodsucking creature".)

Ang nauuso at nakakalokohang ang akala nila sila ay alagad ng sining Show Business "feeling showbiz", ika nga.Lahat gustong mag-artista.

Lahat gusto nasa entablado, hawakan ang mikropono at kumanta at magtalumpati. At gumanap ng bidang papel.

Dapat ihiwalay natin ang tunay paniniwala sa tunay na pananamplataya.

Di yata tayo mabubuhay ng walang kaipokritahan! Para tayong mga plastic at styrofoam na di basta nabubulok at nakakasama sa kalikasan kung ito ay ating pababayaan at ipagbabale-walain na lamang. Ganito ba talaga tayong mga Pilipino?

Di ba tayo marunong mahiya sa iba? Di natin iniisip ang ating sinasabi at ginagawa.

Ang akala ng nila walang nakakapansin sa kanilang ginagawa, ang totoo nakakahiya sila sapagka't dito pa sa Bansang Amerika nagkakalat ng nakakadiring kaugalian.

Ewan at ewan pa rin ang aking tanging sagot at ang huling tanong "Saan tayo Pupunta?" Totoo bang ang Pilipino, tulad ng iba kong kababayan sa Bayang Dakila, ay bayan din ni Juan Tanga wala paki habang sinasamantala ng mga taong nagsasabi sa kanilang sarili ay banal at pantas, gayung sa kanilang sarili sila ay hunghang at ganid sa karangalan!

Sana ang ang tunay na kapurihan ay maibalik sa ating Mahal na Inang Birheng Maria sa tuwing sasapit ang kanyang kapistahan ng pagdiriwang.

Ang mga pangyayaring ito ay aking inihihahain at idinadalangin na kaming mga anak nya ay mapagbago sa ngalan ng aming Panginoong Hesus.---Isang kamalayan ni Memen B.

Labels:

Friday, February 08, 2008

Ang mga iba't-ibang angkan ng mga taga Sta. Maria

Narito ang mga ilan sa mga angkan ng mga tunay na taga Santa Maria. Alam ng inyong abang-lingkod na marami pang angkan ang dapat kasama sa listahan na ito. Nakakalungkot isipin na ang kaugaliang ito ay unti-unti na ring nawawala. Ang tradisyong ay dapat nating ipagmalaki kaysa ikahiya. Ito ang nagpapatunay na taal tayong mamayang taga Sta.Maria at tunay na Pilipino.

Isang Paala-ala lang po hindi po ito ang eksaktong "genealogy" ng isang pamilya...mas malapit po ito sa sinasabing salitang kanto o usapang barberya...o in other words ay bansag, alias, o a.k.a.! At di maiikaila ninuman na hindi ito nangyayari at higit sa lahat ito ay ating kagawian.

1. Angkan ng Dupong
2. Angkan ng Bayawak
3. Angkan ng Tuko
4. Angkan ng Puti
5. Angkan ng Itim
6. Angkan ng Kuwitib
7. Angkan ng Bulilit

Sana ma-alaala ko pa ang iba ayon sa kuwento ng aking mga magulang, Lolo at ni Lola. kamag-anak, kaibigan at mga mahal kong kababayan.

At inaanyahan ko po ang sinuman na makipagtulungan sa inyong abang-lingkod na madagdagan ang ibat-ibang tunay na anak ng Bayang Santa Maria.

Naniniwala po ang inyong lingkod na di ito nakakababa ng ating pagkatao bagkus ito ay nakakadagdag ng ating pagkakakilanlan at kasarinlan.

Bilang pag-galang "YUNG IBA NA ALAM KO PA AY SADYA KONG HINDI ISINALI. Marahil alam 'nyo po kung bakit?

Hindi po layunin ng may akda na makasakit ng damdamin ninuman. MARAMING SALAMAT PO AT MABUHAY TAYONG LAHAT!

Ayon sa kasaysayan ng ating Bayan: "Bago pa man kinilala ang ating Dakilang Bayan bilang "Egg Basket of the Philippines", sa matamis na "Pakwan o watermelon", sa pag-gawa ng magagandang "Duster", "RTW" at handicraft, sa napakamakulay na pailaw at malakas paputok "Fireworks" at sa pagluluto ng malutong na "chicharon", sa napalaraming banko at resorts, ang Bayang Santa Maria ay kilala bilang "Bayan ng Awit at Tula."

Labels:

Thursday, February 07, 2008

Rommel & Maricel Wedding Day Saturday February 3, 2008


Please click the play button to watch the slideshow!

Or wanna try if this one is better?

Labels:

Tuesday, February 05, 2008

FIESTA e-INVITATION mula kay Ed C. Villanueva P.E. (Pangulo 2008)

ENERO 1, 2008

MGA MAHAL NA KABABAYAN,

"MALUGOD PO NAMIN KAYONG INAANYAYAHAN SA PAGDIRIWANG NG ATING KAPISTAHAN!" PARA SA BANAL NA PATRONA NG ATING BAYAN, ANG INMACULADA CONCEPCION.

ANG PAGDIRIRIWANG NATIN AY GAGANAPIN SA IKA 9 NG PEBRERO 2008 SA JOHN S SIMMS PARK, BELLFLOWER, CA. MAGSISIMULA ANG PALATUNTUNAN SA IKA- SAMPU NG UMAGA (10:00AM).

INAASAHAN NAMIN ANG INYONG PAGDALO AT SALAMAT PO SA ANUMANG TULONG NA INYONG IPAGKAKALOOB PARA SA IKA-SASAYA NG ATING PAGDIRIWANG.

MALIGAYANG PASKO AT MANIGONG BAGONG TAON PO SA INYONG LAHAT
!!!

SUMASAINYO,
ED C. VILLANUEVA
PANGULO
TEL. (562) 402 5757

DAMASO SANTIAGO
UNANG PANGALAWANG PANGULO
(818) 943 4887

MOLLY BELARMINO
PANGALAWANG PANGULO
(619) 795-0169

BERT DALMACIO
PANGALAWANG PANGULO

RINA LOPEZ
INGAT YAMAN
(562) 923-2171

LILIAN BUENAVENTURA
IKALAWANG INGAT YAMAN
(909) 899-8273

CYNTHIA BARLES
KALIHIM
(310) 926-7455

Paalala: Ang pagpapatala (registration) ay magsisimula ng ika 9:30 ng umaga. Magpatala po kayo upang mapabilang kayo sa listahan ng talaan ("updated members info list") ng ating samahan.


View Larger Map

Labels:

Monday, February 04, 2008

Ika-216 na pagkakatatag ng Bayang Santa Maria (1702-2008) Lalawigan ng Bulacan

Muli ang ika-216 na pagkakatatag ng Bayang Santa Maria (1702-2008) ay gugunitain. Ito ay sa sa ika-6 at 7 ng Pebrero, taung kasalukuyan(2008). Ito ay ipagdiriwang ng aking mga kababayang nasa Pilipinas at mga kababayan kong nasa ibang bansa sa kapurihan ng aming patronang La Inmaculada Concepcion(in Spanish), (Immaculate Conception (in English).

Natatandaan ko pa ang halos walang katapusang pagdiriwang tuwing sasapit ang kanyang kapistahan. Inaabot ito ng isang buwan o higit pa. Abala na ang aking mga kababayan at ang mga namumuno pagkatapos ng Undas, Pasko at Bagong Taon. Ang ihip ng hanging amihan ay isang tanda na malapit na nga ang kanyang kapistahan.

Sa aking karanasan bilang kasapi noon ng pagbuo ng pagbalangkas sa susunod na pagdiriwang ng kanyang Kapistahan, narito ang ilang gawi at kaugalian upang maging tagumpay at tunay na masaya ang naturang taunang pagdiriwang.

Mula pa lamang sa ika-15 ng buwan ng Agosto (Assumption of Mary) ay magpapatawag na ng pulong ang Pangulo ng Kapistahan at ang Kura Paroko sa mga kasapi at mga punong-abala. At ito ay buong husay at masusing inaayos ang lahat ng mga bagay-bagay mula financial hanggang schedule ng iba't ibang pagtatanghal bawa't linggo ng buwan ng Pebrero.

Kaya nga't taun-taon ay tunay na malakihan ang ginagawang pagdiriwang. Una sa lahat, tuwina madalas ay sampu pataas ang inaayayahang Banda ng Musiko na nanggaling pa sa iba't-ibang bayan ng Pilipinas.

Ang unang tanong ng karamihan "Ilan bang Banda ng Musiko ang tutugtog o aanyahan sa araw na ito?" Dito pa lamang makikita mo ang pagkahilig sa Musika ng mga taga Sta.Maria. Mula sa Parada ng mga Banda, Presentasyon sa La Torre, Majorette Exhibition sa hapon ng bisperas at sa gabi ang laging inaabangang Serenata o Konsyerto ng mga Banda na dinadayo naman ng mga ibang manonood at taga-pakinig mula sa ibang lugar na laging inaabangan ng mga mahilig sa musika.

At sa umaga ng kaarawan ang Misa Cantada o Concelebrated Mass na ginagampanan ng maraming pari at obispo ay tunay na dakilang kaugalian naming mga taga Santa Maria. Ang dakilang prusisyon sa kaarawan ay tunay na dinadayo ng marami.

Ganito kalapit ang mga tao sa Parokya na tunay namang katangi-tangi. Di lamang sa araw ng Kapistahan kundi sa buong taon. Ang gawain sa Simbahan ay bahagi na ng pangaraw-araw na buhay ng aking mga kababayan.

Kaya nga't kaming mga nasa ibang bansa ay pilit na ginagawa ang kaugaliang ito. Na sa pamamagitan ng abot ng aming makakaya ay amin rin na ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Imaculada Concepcion taun-taon kahit kami ay malayo sa Kanya. ---Mula kay Memen B. (your Webmaster)

Watch this documentary video>>>
DAKILANG BAYAN, SANTA MARIA

Video Archive (Balik-Tanaw):Pamana 1992 "Bi-Centennial Celebration"(a Documentary Film)

More info>>> Santa Maria, Bulacan from Wikipededia, the free encyclopedia

News Update:Ex-Bulacan mayor held for estafa ?

Photo Archives: Sta. Maria Town Fiesta 2007 photos courtesy of Cecil M. Suarez (Suarez Studio)

Fiesta 2008 sa LA e-Invitation mula kay Ed C. Villanueva P.E. (Pangulo 2008)

Labels: ,